Posted in my note in fb..
Kanina, di ko alam kung bakit di maalis si tatay sa isip ko.. Bigla ko naalala, Nov 27, 1997 pala nung araw na nakita ko syang buhay..14 years after, ito, umiiyak pa din ako..Miss na miss ko ang pinaka da best na tatay sa buong mundo..
Tubong Pangasinan si Tatay..grade 4 natapos nya..nagtrabaho bilang gasoline boy..at nakilala si Nanay..Nagkaanak ng 6, ako ang pang apat..Naalala ko noon, tawag kay tatay, "Alog"..ganun kasi ang tawag ng mga bisaya sa mga taong taga Maynila. Sa probinsya kasi namin, kahit saang parte ka ng Luzon nanggaling, ang alam, taga Maynila ka..Si tatay, bisaya man magsalita, tagalog pa rin ang punto..
Masasabi kong, sa aming magkakapatid, ako ang may pinakamaraming alaala kay tatay.. Pag nag aaway kami ng kapatid ko noon, ang madalas sabihin ng tatay ko, "papaluin kita"..pero hanggang taas lang sya ng kamay..pero hindi niya nilapat ang mga kamay nya sa amin..
Si tatay na siguro ang isa sa taong walang kagalit.. Noong buhay pa sya, di ko narinig na may nakasamaan sya ng loob. Naalala ko ang kwento ng nanay ko.. Noong maliliit pa daw kami at nag aani ng palay ang tatay ko kasama ang ilang mga ama sa bukid, minsan syang pinagkaisahan ng mga kasama nya. Pagkatapos daw nilang umani, nag inuman ng tuba at tanduay. Nang malasing, susuruy suroy na sa pag uwi.. Habang naglalakad daw ang tatay ko, iniihian daw sya ng mga kasama nya sa likod.. tuloy lang sa paglakad ang tatay ko..di nya pinansin mga kasama nya.. Sya kasi yung taong di ata marunong magalit..Kaya minsan, sinusubukan syang pikunin ng mga kasama nya..pero ni minsan, di lumaban si tatay..
Isa sa di ko makalimutan ay noong panahong may humabol ng itak kay tatay. Mag isa lang ako sa bahay noon nang naghamon ng away ang tito ko (asawa ng kapatid ng nanay ko). Ang layo siguro ng bahay nila sa amin ay 300metro pero narinig ko na ang sinabi ng tito ko ay "Sino mabato dyan?". Sa tagalog, "sino lalaban dyan?". Nagkataon naman na may dumaang isa pang loko din at sinabi nyang sya daw. Noong tinanong ng tito ko kung sino sya, "Si Peter" sabi nya. Pangalan yun ni Tatay. Nakita kasi nitong sumigaw na kasunod nya ang tatay ko sa daan. Ang tatay ko noon ay nakainom din pero di lasing. 9years old ako noon. Nakita ko nalang, parating na si tatay pero di sya dumiretso sa bahay. Nagtago sya sa pulantok (isa itong malaking puting bato na minsan ay kasinlaki ng kubo). Maya maya pa, dumating na ang tito ko. sa takot ko nang makitang paparating sya, inakyat ko ang tsinelas na nasa paanan ng hagdan namin, at nilock ko ang pinto ng bahay. Pagkatapos noon, sumilip ako sa bintana ng bahay namin habang nakikinig sa sigaw ng tito ko. Sa edad na 9, di ko maiwasang umiyak at atakehin ng nerbyos.. Paano nalang kung makita nya ako? O kaya, makita nya si tatay? Baka iitakin nya kami. (ang tito ko kasi, mahilig sya manakot.. Wala pa naman ako nabalitaang naitak nya pero sa edad na 9, takot ang nangibabaw sa akin). Noong walang makitang tao sa bahay ang tito ko, umalis sya at dumaan sa gilid nung malaking bato. Mabuti nalang, di nya nakita si tatay. Nang nakasigurado ako na wala na sya, tumakbo ako sa kinaroroonan ni tatay. Tulog na sya. Ginising ko nalang at pinatulog nalang sa bahay. (ito ang dahilan kung bakit, hinding hindi ako mapapanood ng espada, itak o kutsilyo sa movies..bumabalik ang alaala ko)
Noong grade 4 naman ako, nagising akong nag uusap si nanay at tatay. Namomroblema kasi sila noon dahil wala silang kapera pera para sa activities ko sa school. Ako kasi ang pinadala ng school namin sa GSP (Girl Scout of the Philippines) Headquarters sa Roxas City sa province namin sa Capiz. Kailangan namin magbayad ng 300pesos para sa Registration fee (di ko alam kung bakit di ito sagot ng school). Sabi ng nanay ko, "Tay wala tayong pera". Ang sagot naman ni tatay "Gawan natin ng paraan Nay. Para naman kay Inday yan e. Di bale maghirap tayo, para naman yan sa kinabukasan ng mga bata". Naaawa ako noon sa kanila. Nakasama ako noon sa camping namin pero mula noon, tumatak sa isip ko na kung ginagawa ni tatay ang lahat para sa amin, gagawin ko rin ang lahat para sa pamilya ko. Mula din noon, pag may sinabi silang wala tayong pera, di na ako nagpupumilit pa sa gusto ko kasi alam ko na talagang wala at ginawa na nila ang best nila pero wala pa din. Ang senaryong ito ang dahilan kung bakit pursigido akong tuparin mga pangarap ko para sa pamilya ko.
June 1997, umuwi galing Maynila si ate. Napansin nya na nangangayayat si tatay. Sabi ni tatay, wala lang daw yun. Pagod lang daw sya kakapastol ng kalabaw at kakatrabaho sa bukid. Napakasipag kasi ni tatay e. Wala man sya masasabing permanenteng kita sa isang buwan, ginagawa naman nila ni nanay ang lahat para makakain kaming magkakapatid. Noong Sept 2007, lalong bumagsak katawan ni tatay. Doon na sya pinacheck up at doon palang, binigyan na sya ng 3 buwan na taning. Sobrang nakakapanlumo!
13 taon lang ako noon at 1st yr high school. Ako ang pinakabata sa pamilya na nakaalam na mamamatay na sya. Si tatay at ang 2 kong nakababatang kapatid (9 at 6yrs old), walang kaalam alam sa pangyayari. Tuwing kausap ko si tatay noon, di ko mapigilan ang maluha. Apektado din kami sa pag aaral noon (2 kami ng kuya ko na nasa 3rd yr HS naman). Kahit yung cu-curricular activities ko noon, di ko na naasikaso. Importante kasi ang activities sa HS dahil kasama sa points sa honor roll.
October noong nagpadala ng 1000pesos para sa gamot ni tatay ang auntie ko na nakakaangat sa buhay na nasa Maynila. Kahit may taning na sya, kailangan pa rin ng gamot nya para di sya manghina. Tulog pa kaming magkakapatid noon dahil madaling araw pa lang nung umalis sila dahil napakalayo pa ng hospital. Ang di ko alam, kumuha ng karton si tatay at sinukat ang paa ko. Pag uwi nya, may dala na syang school shoes para sa akin dahil butas na ang sapatos ko noon dahil 8kms na papunta at pauwi sa school ang nilalakad namin. May bago namang damit ang 2 nakababatang kapatid ko. Minsan lang kami magkaroon ng damit kasi. Kadalasan, bigay pa ng mga pinsan namin. Ito ay paulit ulit na sumasagi sa isip ko na napakaswerte ko sa tatay ko..sobrang mapagmahal.. Mamamatay na sya, kami pa rin ang inisip nya.
Nov 27, 1997 noong huli ko syang nakitang buhay. Pumunta kasi sila ng Maynila (nanay ko, 2 kong kapatid at sya) kasi matagal na nyang gusto na mabisita ang pamilya nya pero di natutuloy dahil wala nga kaming pera. Ang pamasahe nila noon, pinagtulungang mabuo ng mga kaibigan at kamag anak. Hinding hindi ko makalimutan ang huling yakap ko kay tatay. Halos ayoko bumitiw. Bulong ni nanay "Nak, yakapin mo na si tatay mo. baka huling yakap mo na yan sa kanya". Sobrang higpit na yakap habang sobrang iyak ang ginawa ko noon. Sinabi ni tatay "Wag ka umiyak. Magbabakasyon lang kami". Kung alam lang nya.
Dec 2, 1997, namatay si tatay. Ayun sa kwento sa akin, nawalan sya ng hininga pagkatapos nyang sabayan ang 3 o'clock prayer at magdasal ng Our father sabay sabing, andyan na sila, sinusundo na ako.
Pasensya na po kayo, sumasakit na naman ulo ko kakaiyak. Sobrang mahal na mahal ko si Tatay kahit na 14years na syang wala at 13 years ko lang sya nakasama. Naniniwala ako na nabubuhay si tatay sa puso ko dahil ginawa nya akong instrumento para mabigyan ng magandang bukas ang pamilya ko at mapigilan ang muntik na pag aasawa ni nanay noon.Ang pagmamatigas ko sa bahay (dahil sa kumukulo ang dugo ko sa lalaking yun) ang nagpalayas sa lalaking muntik na sumira sa buhay ng nakakabatang kapatid ko. Ang nag iisang lalaking sumampal sa akin dahil ipinamukha ko sa kanyang wala syang lugar sa bahay namin. 4 o 5 taon ang lumipas, bumalik ang lalaking iyon sa bahay at tinanggap sya ng pamilya ko (wala ako doon noon dahil kung andun ako, di ako papayag) bilang kaibigan at ang walanghiya, hinipuan ang kapatid ko habang natutulog. Proud ako sa sarili ko dahil kundi dahil sa pagmamatigas ko, maaaring nabulag nya si nanay at sila'y nagkatuluyan. Baka kung ano pa ang nangyari sa kapatid ko..
Tay, salamat po sa pagmamahal na itinanim nyo sa puso ko..Ganito ako ngayon, at ang iba ko pang mga kapatid dahil pinalaki ninyo kami ni nanay na maayos (Isa sa kuya ko ay nasa seminaryo at ilang taon nalang ang hinihintay upang maging pari).. Abot kamay ko na ang pangarap ko para sa atin. Sana di ko kayo nabigo sa mga sinabi nyo noon kay nanay na "di bale maghirap dahil para ito sa kinabukasan namin". May mga bagay man akong ginagawang mali, pero alam ko, sa tamang panahon, maitatama ko ito..dahil pinalaki nyo kaming may pagmamahal..