Sunday, 2 October 2011

Di ka Nag- iisa Kaibigan

Bilang OFW, di maiiwasan ang magkaproblema at paminsan minsang dalawin ng kalungkutan.. Naranasan ko ito noon.. Salamat nalang dahil noong panahong iyon ay naramdaman ko na di ako nag iisa..

Nasa gyera kami ng kapatid ko.. Hawak hawak ko ang kamay nya habang nagpuputukan sa paligid.. Di namin alam kung saan kami pupunta dahil isa lang ang gusto namin mangyari, ang makatakas sa kaguluhan sa lugar na kinaroroonan namin.

Habang tumatakbo kami, may bomba na bumagsak sa harapan namin. Dahil wala na kaming ligtas, nagyakapan nalang kaming magkapatid habang hinihintay ang pagsabog noon. Nang sumabog na ang bomba, may biglang yumakap sa akin. Nakasuot sya ng puting damit. Habang yakap yakap nya ako, bigla nya sinabi, "Wag kang mag-alala, everything will be alright". Pagtingin ko, nakita ko ang mukha ni Bro (katulad ng palabas sa May Bukas Pa noon). Sumabog ang bomba pero walang galos o di kami nasaktan ng kapatid ko.

Dito na ako nagising. Sa paggising ko, naalala ko ang sinabi nyang, "Don't worry, everything will be alright". Alam ko, ang mga bala ng baril at bomba ang simbolo ng mga problemang pinagdaanan ko at pagdadaanan ko pa subalit ipinadama nya sa akin na andyan lang Sya.

2009 ito nangyari.. 3rd year ko na sa abroad.. Malungkot ako noon, maraming problema at kahit madami akong kaibigan, feeling ko nag iisa ako.. Ito yung time na kahit magshare ng nararamdaman ko, di ko magawa kasi lalo lang bumibigat ang nararamdaman ko at ayoko rin na makadagdag sa problema ng iba..

Nakatulog ako noon sa kakaisip..at nangyari ang panaginip kong yan..Hindi ako palasimba pero naniniwala ako sa Kanya.

Simula noon, tuwing may problema ako, ipinapaubaya ko ang lahat sa Kanya..at gumagaan na kaagad ang pakiramdam ko..

Alam ko, napakaswerte ko dahil bibihira lang ang taong nakakakita or pinapakitaan Nya kahit sa panaginip lang..